π—›π—œπ—šπ—œπ—§ πŸ±π—ž π—•π—˜π—”π—–π—›π—šπ—’π—˜π—₯𝗦, π—œπ—‘π—”π—”π—¦π—”π—›π—”π—‘π—š π——π—”π——π—”π—šπ—¦π—” 𝗦𝗔 π—§π—’π—‘π——π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—‘ π—•π—˜π—”π—–π—› π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ

Inaasahan na aabot sa limang libong beachgoers ang dadagsa sa Tondaligan Beach, Dagupan City ngayong araw sa kasagsagan ng Undas.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa on duty lifeguard ng CDRRMO, tinatayang apat o limang libo ang kadalasang nagtutungo sa dagat tuwing may holiday o long weekend.

Kahapon, hindi pa nangangalahati ang araw ay umabot na umano sa 700 ang nagtungo sa Tondaligan Beach mas mababa sa inaasahan.

Samantala, zero untoward incident umano at mapayapa sa Tondaligan Beach maliban sa muntikang pagkalunod ng tatlong bata dahil sa malakas ng agos ng tubig.

Kaugnay nito, paalala ng awtoridad na mainam na gumamit ng life vest kaysa sa salbabida dahil mas delikado umano ito at maaring tangayin sa malalim ng bahagi ng dagat. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments