𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱𝗞 𝗞𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗧𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔, 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘𝗡𝗢

Naipamahagi ang libong mga kahon – kahon ng bitamina mula sa isang pharmaceutical company na naging katuwang ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.

Mapapakinabangan ito ng mga senior citizens, ambulant vendors, solo parents, mga mangingisda, maging mga tricycle at jeepney drivers.

Makakatanggap din ang mga barangay health workers, barangay service point officers, barangay nutrition scholars, daycare workers, garbage collectors, street maintenance workers, barangay councils, mga tanod, parents-teachers association, at mga emergency workers.

Bahagi ito ng nagpapatuloy na programa na Alagang Healthy Dagupeño na may layong mapanatili at maitaguyod ang kapakanang pangkalusugan ng bawat Dagupeños. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments