𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱,𝟬𝟬𝟬 𝗝𝗢𝗕 𝗢𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗧𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗗𝗔

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pagsisimula nito ng Pangasinan Job Festival kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day kasabay ng 2024 Labor Day Job Fair ng Department of Labor and Employment Regional Office 1.

Higit 5,000 job opportunities ang alok ng nasa 22 kumpanya kabilang ang dalawang overseas recruitment agencies sa mga Pangasinense na nakiisa.

Ayon kay Pangasinan Provincial Employment Services Office Manager Ma. Richelle Ragunduin, inaasahang nasa 300-500 aplikante ang target ng tanggapan kung saan 5% dito ay inaasahan na maging HOTS o Hired on the Spot.

Kasabay ng Pangasinan Job Festival ay isinasagawa rin ang ilan pang job fair sa malalaking lungsod ng lalawigan tulad ng Dagupan at Urdaneta City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments