𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱𝟬 𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔

Nagsimula na ang Selling of Rights sa mga bagong stall o mga puwesto sa Public Market East Wing Building, sa bayan ng Mangaldan.

Kaugnay nito, maaari nang bumili ang mga interesadong negosyante na okupahin ang mabibiling pwesto sa nasabing gusali upang maibenta at mas palaguin ang kanilang negosyo.

Pinaalalahanan ang mga interesadong kumuha ng pwesto na ihanda ang mga kinakailangan dokumento upang agad na maproseso ang kanilang pagbili.

Samantala, bukas sa publiko ang pagbebenta sa mga stalls bagamat prayoridad pa rin ang mga residente ng Mangaldan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments