Umabot sa 66, 063 ang kabuuang bilang ng ektaryang lupain ang napatubigan ng National Irrigation Administration-Pangasinan Irrigation Management Office.
Ayon kay Engr. Cipriano Yabut, Chief ng Agno-Sinocalan-San Fabian-Dumuloc RIS sa Ilalim ng National Irrigation System ay nakakapag tubig sila ng 46,032 ektaryang lupain, mataas ito sa kanilang target na mapatubigan na nasa 41,573 ektaryang lupa.
Habang nakatulong naman sa pagpapatubig sa 20, 032 na ektarya ng lupain ang Communal Irrigation System ng naturang kagawaran.
Nagpapatuloy rin ang ilan pa sa aktibidad ng kagawaran upang masiguro na mabibigyan ng sapat na patubig ang mga magsasaka.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang paglilinis at pagsasaayos ng mga kanal matapos ang nagdaang bagyo at pamamahagi ng water pumps sa mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨