𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟵𝗞 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝟰𝗣𝗦

Natapos na ang nasa 9,627 na pamilya sa La Union na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4ps ayon sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1.

Nakamit umano ito dahil sa pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor sa probinsiya upang mai-implementa at maabot ang mga proyektong inilaan para sa mga benepisyaryo. Mayroon ding 1,650 na boluntaryong umalis sa naturang programa.

Ang mga nagsipagtapos ay i-eendorso sa LGU upang patuloy na mabigyan ang mga ito ng karagdagang interbensyon. Sa datos ng DSWD Field Office 1, nasa 21,706 na pamilya ang kasalukuyang benepisyaryo ng 4ps sa La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments