Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang kahandaan ng ahensya pagdating sa pamamahagi ng stockpiles sakaling humiling ng augmentation ang mga lokal na pamahalaan sa Region I para sa mga posibleng maapektuhan ng kalamidad.
Sa datos ng ahensya, nakapreposisyon ang 79, 141 na mga Family Food Packs habang nasa 18, 823 naman na bilang ng mga Non-Food Items ay nakahanda rin.
Nauna nang nagsagawa ang ahensya ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting upang mabigyang diin ang paghahanda pa at kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa bawat LGUs sa Region 1.
Patuloy na inaantabayanan ang kalagayan ng mga residente sakaling mangailangan ng tulong ang magiging apektado ng bagyo bilang nananatili pa rin sa Signal No. 1 ang rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨