𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟵𝟬𝟬𝗞, 𝗗𝗘𝗟𝗜𝗤𝗨𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗣𝗘𝗡𝗔𝗟𝗧𝗜𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗦𝗦 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔

Nakakolekta ng 933,031 na delinquent penalty ang Social Security System o SSS Urdaneta City.

Ito ay nakolekta sa pamamagitan ng Run Against Contribution Evaders o RACE Campaign ng ahensya.

Dahil dito,nasa 216 manggagawa ang makikinabang sa naturang halaga na kanilang benepisyo bilang isang manggagawa na kabilang sa SSS.

Tinukoy ni Acting Branch Head Christopher Servas na ang bayan ng San Quintin sa nagpapatuloy na high incidence ng non-registration sa lugar.

Napag-alaman na anim na employer mula sa bayan ang may issue o violation sa RACE Campaign.

Pinapayuhan naman ng tanggapan ang mga empleyado na tignan ang kanilang kontribusyon sa online application upang makita kung may iregularidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments