Iminungkahi ng isang konsehal sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang hindi umano pagpapaunlak ng SK Federation President sa ilang mga imbitasyon ukol sa nagaganap na mga committee hearings.
Kasunod ito ang nakatakdang pagsagawa ng hearing ukol sa usaping budget o allowance ng Sangguniang Kabataan Council sa lungsod.
Ayon sa konsehal, nakailang imbitasyon na umano ang naipapadala bagamat wala umanong presensya ito.
Pagdedepensa naman ng SK President, mayroong mga kinakailangang tapusin o gawin sa kanyang pang-akademiko bilang isa rin itong estudyante.
Samantala, maaari naman daw itong magpadala ng kanyang representante sa naturang hearing upang matalakay ang mga isyu ukol sa pagdinig sa SK Allowance.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments