Inihayag ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 1 na kadalasang natatanggap nilang reklamo sa mga empleyado ay ang hindi tamang pasweldo at benepisyo sa kanilang employer o kumpanya.
Payo ng ahensya, Kung mayroon umanong mga employers na hindi sumusunod sa isinasaad na minimum wage rate ay maaaring magsampa ng reklamo ang mga empleyado sa pamamaraang single entry approach program.
Bagamat inihayag din ng pamunuan na maaaring malutas ang naturang problema sa pakikipag-ugnayan sa mga employer.
Samantala, wala pang malakin isyu simula 2022 hanggang sa kasalukuyan ang naisampa o naireklamo ayon sa tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments