𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Timbog ang isang tricycle driver matapos itong mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang search warrant sa Siobal St. Brgy. Inerangan, Alaminos City, Pangasinan.

Ang suspek ay isang 58 anyos, alias Jun at residente sa lungsod.

Narekober sa suspek ang 8. 3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit 56,000 pesos, isang gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at iba pang drug paraphernalias.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na nasa kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments