𝗛𝗨𝗕𝗢’𝗧 𝗛𝗨𝗕𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗦𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Nagdulot ng kaguluhan ang isang 33-anyos na lalaki na kinilalang si alyas “Rydge” matapos sunugin ang kanyang sariling bahay sa Barangay Cabaritan, Sison, Pangasinan noong ika-6 ng Mayo.

Ayon sa ulat ng isang concerned citizen, nasaksihan ang hubo’t hubad na suspek na siyang nagsunog din ng kanyang sariling bahay.

Sa operasyon ng kapulisan, nasabat sa suspek ang 27.42 ng gramo na hinihinalang shabu na nagkakahalagang PHP 186,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sison PNP ang suspek na nahaharap laban sa patong-patong na kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments