𝗛𝗨𝗗𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

“Huwag mawalan ng pag-asa, basta maniwala.”

Iyan ang naging mensahe ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa naganap na Christmas Lighting Ceremony kasabay ang Opening Fiesta 2024 kagabi, December 6.

Kahapon nga ay pormal nang inilawan nang sabay-sabay ang City Plaza, Quintos Bridge at Magsaysay Bridge, De Venecia Extension at mga Belen sa bawat barangay Nativity Scenes bilang hudyat ng Kapaskuhan sa lungsod kasabay pa ang city fiesta ngayong taon.

Dinaluhan ang naturang lighting ceremony ng daan-daang mga Dagupeños, Pangasinenses at lokal na turista upang tunghayan ang taon-taong isa sa pinakainaabangang kaganapan tuwing Holiday Seasons.

Kumikinang sa pula at ginto ang kulay ngayon ng giant christmas tree tampok ang higanteng laso o ribbon ang disenyo nito ngayong taon.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong kapaskuhan ay ang ‘Star ka sa Puso ko”.

Samantala, inaasahan na ang mga iba’t-ibang aktibidad na inihanda ng lokal na pamahalaan na aabangan ng publiko sa buong buwan ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments