𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥’𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗟

Isasagawa sa isang mall ang voter’s registration sa Dagupan City simula sa 16 Setyembre dahil sa inaasahang dagsa ng mga magpaparehistro sa huling dalawang linggo.

Ayon sa COMELEC Dagupan, mula 9:00 AM – 4:00 PM maaring magparehistro sa City Mall Dagupan hanggang 30 ng Setyembre.

Posible umanong magpatupad ang tanggapan ng early cut off, depende sa dami ng tao.

Paalala sa mga magparehistro na magdala ng mga kinakailangang requirements upang hindi na maabala tulad na lamang ng Birth Certificate, Marriage Certificate sa mga kasal na, valid id, at certificate of residency.

Binigyang diin ng tanggapan na walang ekstensyon ang nagpapatuloy na voter’s registration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments