Isa sa tinitignan ngayon ng health authorities na dahilan ng pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit na trangkaso ay pabago-bagong panahon na nararanasan ngayon.
Base sa pinakahuling datos ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) mula noong Enero 2023 hanggang nito lamang unang linggo ng buwan ng Disyembre pumalo na sa kabuuang 3, 201 na kaso ng trangkaso.
Ayon sa PHO, mas mataas ng tinatayang nasa 39% na mataas ang naitala ngayong taon kumpara noong nakaraang taong 2022 na nasa 2, 300 kaso.
Inihayag ni Dr. Cielo P. Almoite, Provincial Health Officer 1, nararanasan ang sakit tuwing nababago ang lagay ng panahon gaya ng taglamig o kung sa tuwing may pagbabago sa temperatura.
Dagdag pa nito na kadalasang nakakapitan ng sakit na ito ang mga immunocompromised na indibidwal o ang mga taong overfatigue sa trabaho o walang pahinga maging ng mga bata at senior citizens.
Kaya’t paalala ng opisyal na kumain ng masusutansyang pagkain, magpahinga at kung nakakaranas na ng mga sintomas ng trangkaso agad nang uminom ng nararapat na gamot at para hindi na tuluyang magkasakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨