𝗛𝗬𝗕𝗥𝗜𝗗 𝗦𝗘𝗘𝗗𝗦 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗣𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡

Mapapakinabangan umano ng mga magsasakang Dagupeño ang mga hybrid seeds na ipinamahagi sa kanila ng lokal na gobyerno ng Dagupan at ng Department of Agriculture.

Sako-sako ng hybrid seeds ang naipamahagi sa grupo ng magsasaka sa lungsod kung saan bawat sako ay may bigat na 15kgs.

Ilan sa mga magsasakang dumalo sa pagturn over ng mga naturang hybrid seeds, sinabing makatutulong umano sa kanila ang mga ito ngayong panahon rin ng tag-ulan dahil mabilis umano itong lumago, mabilis na makiayon sa panahon at mas mahaba ang buhay kung ikukumpara sa normal na seeds.

Mainam din na may ibinahagi rin umanong kagamitan upang mas mapadali ang kanilang paghahanap buhay sa sakahan.

Bukod pa sa hybrid seeds, itinurn over din sa grupo ng mga magsasaka ang iba pang kagamitan na magagamit sa pagpapaunlad ng kanilang pagsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments