Malaking tulong sa mga bata ang pagkakaroon ng hydoponics farming sa mga barangay sa lungsod ng Dagupan.
Ang mga gulay na mula rito ay inaani at idinidiretsong iniluluto para sa mga bata na kabilang sa feeding program.
Sa barangay Pantal, nagsimula nang anihin ang mga pechay mula sa kanilang hydroponics farming.
Ayon kay Reynaldo De Vera, Barangay Nutritionist Scholar ng Pantal, nagmumula sa city government ang mga solutions na ginagamit nila gaya ng Calcium Nitrate at Magnesium Sulfate sa naturang pagtatanim
Nagsimula ang mga ito noong nakaraang taon na nakikita nilang malaking tulong upang malabanan ang malnutrisyon sa komunidad.
Dagdag pa ni De Vera, masustansiya at ligtas kainin ang mga gulay dito dahil organic insecticide din ang gamit nila laban sa mga nakakapuslit na mga insekto sa pananim.
Ang hydroponics farming ay isang uri ng pagtatanim gamit ang water based nutrient solution na umaabot ng 50% na mas mabilis magpalago ng pananim kumpara sa lupa.
Sa ngayon maliban sa barangay Pantal ay ginagawa narin ang hydroponics farming sa ibang barangay sa lungsod gaya ng Bonuan Boquig, Bonuan Gueset, Bonuan Binloc, Bacayao Sur at Calmay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨