𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Unti-unti nang dumadagsa ang mga mamimili ng Christmas Decorations sa Dagupan City.

Kahapon araw ng linggo dahil walang pasok, marami ang nakipagsiksikan upang bumili ng mga palamuti sa kanilang mga tahanan.

Mabenta ang Christmas Tree na naglalaro sa 300 pesos hanggang sa 3,500 depende sa laki.
May mga namamakyaw ng Christmas balls, parol at iba pang dekorasyon. Nasa 89 pesos naman ang pinakamababang presyo ng Christmas Lights.

Asahan naman umano ang pagtaas ng presyo nito ayon sa ilang tindera habang papalapit nang papalapit ang pasko.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments