𝗜𝗕𝗔’𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗜𝗦𝗦𝗨𝗘𝗦, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Idinaos ng Provincial Government of Cagayan (PCG) ang Mental Health Culminating Activity na ginanap sa Robinson’s Mall, Tuguegarao City.

Ang naturang aktibidad ay adbokasiya ng PGC sa pamamagitan ng PHO Cagayan para sa pag-aalaga sa kalusugan ng isipan.

May layunin itong maihatid sa publiko ang kahalagahan at mga hakbang sa pagpapahalaga ng mental health.


Natalakay din dito ang iba’t ibang mental health issues katulad ng stress, anxiety, at depresyon, maging ang mga senyales na dapat bigyang pansin upang matugunan agad ang anumang isyu sa kaisipan.

Katuwang ng PGC ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Facebook Comments