𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗥𝗔𝗕𝗜𝗘𝗦 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Pinaigting pa ang pagbabakuna ng anti-rabies sa mga alagang hayop ng mga residente ng Pozorrubio. Ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng biktima ng rabies sa bayan at mabigyan ng sapat at libreng veterinary services ang mga alagang hayop tulad ng aso at pusa.

Ngayong araw nakatakdang isagawa ang libreng pagbabakuna ng anti rabies sa Florencio M. Buen, Sports Complex.

Ang mga pet owners ay inaanyayahan na maging responsableng may ari sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga ito upang hindi makapamerwisyo ng ibang tao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments