𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗜𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗚𝗔𝗥𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚

Inilatag ng Department of Health Ilocos Region ang iba’t-ibang programa na laan para sa mga nais na tumigil na sa paninigarilyo.

Kasama ng DOH ang mga pampublikong ospital sa rehiyon para sa implementasyon ng mga programang makatutulong sa mga indibidwal na nais nang umiwas sa bisyo ng paninigarilyo.

Isa sa programang laan ng mga pampublikong ospital ay ang Brief Tobacco Intervention na siyang hinihikayat ang isang indibidwal na tumigil sa paninigarilyo sa loob ng tatlumpung araw.

Samantala, patuloy rin ang babala ng kagawaran ukol sa banta sa kalusugan ng patuloy na paggamit ng e-cigarrette at vape. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments