Nakinabang sa mga iba’t ibang serbisyong hatid ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) ng Bayambang ang nasa higit isang lang libong benepisyaryo.
Higit animnapung uri ng serbisyo ang inihatid sa mga benepisyaryo sa unang bugso ng naturang programa ngayong taon.
Sa tala ng LGU, nasa 1,248 na mga residente mula sa iba’t ibang barangay sa naturang bayan ang naging benepisyaryo ng ibat ibang departamentong naghatid ng serbisyo.
Ilan sa mga serbisyong ito ay ang pamamahagi ng food packs para sa mga undernourished children, Dental services, medical consultation, laboratory tests.
Mayroon ding serbisyo mula sa departamento ng agrikultura kung saan may vegetable seed distribution, at anti-rabies vaccination.
Ilan pang departamento ang nakibahagi at nagbigay ng serbisyo sa mga benepisyaro para sa pagpapadali ng transaksyon naman tulad ng Assessor’s Office services, Treasury Office services, Local Civil Registrar services at marami pang iba. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨