π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—šπ—’ 𝗦𝗔 π—‘π—˜π—šπ—’π—¦π—¬π—’, π—œπ—•π—œπ—‘π—”π—›π—”π—šπ—œ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—‘π—˜π—šπ—’π—¦π—¬π—”π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—•π—”π—¬π—”π— π—•π—”π—‘π—š

Isinagawa ang Basic Business Management Seminar, na may layuning palaguin ang mga negosyo para sa mga Market Vendors sa bayan ng Bayambang, noong ika-19 ng Disyembre.

Sa Temang β€˜Your Business, Your Future: Strategies for Sustainable Growth’, ang mga market vendors ay nagpulong sa Sangguniang Bayan Hall ng nasabing bayan, upang mapag-usapan ang mga dapat na gawin o mga suhestyon na maari nilang magamit sa kanilang mga negosyo.

Ang programa ay naglayon na mapamulat at magbigay estratehiya upang mapalago pa ang negosyo ng mga market vendors sa kanilang bayan.

Ilan sa mga naging tagapagsalita ng programa ay sina Mr. Gomer Gomez, Bank Officer ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Development Analyst ng Department of Trade and Industry (DTI) na si Ms. Vanessa Joy V. Tubera.

Ang naturang seminar ay pinasinayaan ng Office of the Special Economic Enterprise (SEE) ng bayan ng Bayambang. | π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments