Tumaas pa sa higit isang libo ang naideklarang drug-cleared barangays sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Kabuuang bilang na 1, 168 barangays sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan ang hindi na apektado ng presensya ng droga.
Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Agno, Aguilar, Alcala, Anda, Asingan, Balungao, Basista, Bautista Bayambang, Bolinao, Binalonan, Bugallon, Burgos, Calasiao, Labrador, Laoac, Lingayen, Mabini, Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Mapandan, Natividad, Rosales, San Fabian, San Manuel, Sta. Barbara, Sta. Maria, Sison, Tayug, Urbiztondo, at Villasis, maging ang Alaminos City.
Nasa 104 barangays na lamang ang patuloy na tinututukan ng mga concerned agencies upang tuluyang mapuksa ang suliraning ilegal na droga sa mga lugar.
Samantala, nagpapatuloy pa ang iba pang programa hatid bilang bahagi ng rehabilitation program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨