π—œπ——π—’π—Ÿ 𝗠𝗔𝗬𝗔, 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔π—ͺ π—‘π—š 𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔 π—žπ—”π—¦π—”π— π—” π—”π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—œπ—™π—  π—Ÿπ—œπ—¦π—§π—˜π—‘π—˜π—₯𝗦 𝗦𝗔 π—œπ—™π—  π—•π—œπ——π—” π—©π—Ÿπ—’π—š

Humataw at umindak sa pagsayaw si Idol Maya sa isang Zumba session kung saan ibinida niya ang kanyang β€œda moves” sa latest episode kahapon ng iFM Bida Vlogs.

Nakipagsabayan si Idol Maya sa mga zumba dancers at ilang iFM Listeners na nagpamalas ng angking galing sa dance floor.

Ayon kay Zumba instructor na si Marj Goyena sa session nila Idol Maya, malaki ang naitutulong ng zumba sa physical at mental health ng isang indibidwal. Daan rin umano ito upang magbukas ng ugnayan at pagkakaibigan.

Kahit na sino mapabata man o may edad na ay maari niyang sumubok sa zumba para sa isang malusog na pangangatawan at isipan.

Hindi lamang si Idol Maya ang nag-enjoy maging ang mga IFM Listeners dahil sa kanilang naging bonding na Zumba.

Isama na sa iyong daily routine ang ehersisyong Zumba upang maging sexy at witty Dj katulad ni Idol Maya!

Panoorin na ang kumpletong paghataw ni Idol Maya sa IFM Bida Vlogs sa aming youtube channel na IFM Dagupan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments