Nagpakawala ng high value eels o igat ang lokal na Pamahalaan ng Dagupan City sa sa bahagi ng Bayaoas River sa Brgy. Mamalingling.
Nasa labing limang libong piraso ng igat ang pinakawan sa naturang ilog bilang bahagi ng Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) Program.
Layon ng programa na maparami pa ang bilang ng mga indigenous fish species upang mapasigla ang biodiversity at aquatic ecosystem sa lungsod.
Layon rin nito na mapasigla pa ang pangisdaan bilang Isa sa kabuhayan ng mga residente at sapat na pagkakaroon ng mapagkukunan ng pagkain. Ang naturang barangay ang nagsilbing Pilot area para sa naturang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments