𝗜𝗞𝗔𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗣𝗬𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗨𝗗𝗢, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡; 𝗦𝗘𝗥𝗬𝗘 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗟𝗟𝗕𝗔𝗖𝗞, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Epektibo simula kahapon, Nov 21 ang ikaapat na tapyas presyo sa mga produktong petrolyo.
Umiiral ang bawas na 70 cents sa kada litro ng Gasoline, may pagbabang 65 cents naman na sa Diesel at tapyas na 60 cents sa Kerosene.
Ito na ang ikaapat na beses na rollback sa mga krudo bagamat posibleng magtapos na rin ang nasabing bawas presyo sa mga langis.

May nakatakdang pulong ang Organizations of the Petroleum Exporting Countries at dito tatalakayin ang mga isyung nakapaloob sa oil industry.
Ayon sa ilang motorista at PUV operators, pangamba talaga ng mga ito ang sunod sunod na rollback dahil maaari itong ibawi sa price hike sa mga susunod na araw.
Gayunpaman, hiling ng mga ito na hindi na muling maranasan ang ilang linggong bigtime price hike noong mga nakaraang buwan lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments