Ginunita sa San Carlos City ang ika-128th na kapanganakan dating Speaker Eugenio Perez kahapon.
Inalayan ang monumento nito ng bulaklak sa lungsod at nagsagawa ng maiksing programa bilang pagkilala sa naging kontribusyon nito sa Pangasinan maging sa buong bansa.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay San Carlos City Tourism Officer Ruby Fernandez, inihayag nito kahusayan at puso sa serbisyo publiko ng yumaong mambabatas bilang isang Pangasinense.
Naniniwala naman ito na sa paggunita sa kapanganakan ng dating Speaker ay hindi makakalimutan ng mga kabataang Pangasinense ang naging kontribusyon niya sa Kasaysayan.
Yan ang bahagi ng panayam kay Milagrosa Fernandez Public Schools Supervisor sa lungsod
Isinilang ito sa Sitio Obong na dating parte ng lungsod ngunit ngayon ay sakop na ng bayan ng Basista.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨