Nabahala ang ilang estudyante at komyuter na na naglalakad sa bahagi ng Arellano Street, kung saan ginagawa ang road projects dahil halos masagi na umano nila ang ilan sa mga wire ng kuryente roon.
Dahil kasi sa tuluyang pag-elevate sa bahagi ng kalsada sa Arellano Street ay hindi nila umano maiwasan na masagi ang mga nakabagsak na mga wire ng kuryente habang naglalakad.
Agad naman itong inaksyunan ng nga kawani ng DECORP at agad na pinangtatanggal ang mga wire ng kuryente na naaabot na halos ng mga komyuter at ng mga motorista.
Inayos ng mga ito ang mga wire ng kuryente nitong linggo lamang sa bahagi ng A.B. Fernandez Avenue, M.H. Del Pilar at Arellano St.
Noon pang nakaraang taon ay sinimulan na ng DECORP ang paglilipat at pagsasaayos ng mga poste ng kuryente na natamaan ng naturang road projects at isa isa nang pinapalitan at nililipat ang mga ito pwesto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨