Monday, February 9, 2026

‎𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗗𝗜𝗔𝗭, 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗣 𝟱 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗖𝗧 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦


‎Cauayan City – Mainit na binati ni First District Representative of Isabela Antonio “Tonypet” Albano si Mayor Josemarie “Jay” L. Diaz, alkalde ng Lungsod ng Ilagan matapos kilalanin bilang isa sa Top 5 Distinct Mayors in the Philippines sa 3rd Philippines Distinct Men and Women of Excellence.

‎Ayon sa distrito, ang parangal ay pagpapatunay sa matatag na pamumuno, masipag na serbisyo, at tunay na malasakit ni Mayor Diaz sa mga mamamayan ng Ilagan. Itinuturing itong pagkilala sa kanyang dedikasyon at positibong epekto sa komunidad.

‎Pinuri rin ang kanyang patuloy na serbisyo publiko na nagtataguyod ng integridad, malasakit, at makabuluhang proyekto para sa lungsod.

‎Ipinahayag ng First District ng Isabela ang kanilang pagmamalaki sa nagawa ni Mayor Diaz at hiniling na patuloy siyang maging inspirasyon sa iba sa larangan ng pampublikong serbisyo.

‎Kasama rin ni Mayor Diaz sa top 5 si Manila City Mayor Isko Moreno, Pasig City Mayor Vico Sotto, Naga City Mayor Leni Robredo, at si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

photo: Congressman Tonypet Albano
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments