Umaalma ngayon ang ilang mga administrative staff mula sa mga pampublikong paaralan dahil sa pagsalo ng mga admin tasks, kasabay ng pag-aalis nito sa mga kaguruan.
Ayon sa naging panayam ng IFM News sa isang Administrative Staff ng pampublikong paaralan, sila ay nababahala sa pagdami ng mga paper works na kanilang tatrabahuin. Gayundin, sila ay nagaaalala dahil ang ilang mga paaralan ay mayroon lamang isa o dalawang admin staff.
Samantala, hiling ng mga admin staff na ikonsidera ang bilang nila sa kada paaralan upang magampanan ng maayos ang mga kakailanganing trabaho. Dagdag pa, na sana ay mag-hire ng karagdagang admin staff ang DepEd nang sa gayon ay hindi sila mabigla sa full implementation ng naturang panukala.
Bagamat may pagkabahala, naiintindihan naman nila diumano ang naturang panukala para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Matatandaan na ipinag-utos ng DepEd noong biyernes base sa DepEd Order No. 002, series of 2024, ang pagtanggal ng mga admin tasks sa mga guro sa mga pampublikong paaralan upang matutukan ang pagtuturo sa mga mag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨