Sumailalim sa blood sampling ang 25 baboy sa Mapandan upang matiyak na walang sakit o hindi infected ang mga ito ng African Swine Fever.

Pinangunahan ng Municipal Agricultural Office (MAO) ang disease surveillance activities’ sa Brgy. Lambayan at Brgy. Pias.

Sa resultang natanggap ng lokal na Pamahalaan mula sa Laboratories Division – Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, negatibo ang mga ito sa nasabing sakit.

Matatandaan na isinagawa ang pagkuha ng mga blood samples sa mga baboy noong nakaraang buwan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments