Nakararanas ng pag-uulan simula pa kahapon ang iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan sa gitna ng 44°C o mataas na heat index forecast na naitala ng PAGASA ngayong araw.
Nauna nang ipinahayag ng weather bureau na malaking bahagi ng Northern Luzon ang posibleng uulanin ngayong linggo partikular sa Ilocos Provinces, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora dala ng Frontal System.
Dagdag pa ng ahensya na kasalukuyang nakakaranas ngayon ang bansa ng monsoon break.
Samantala, matatandaan din na nasa isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments