𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗠𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗧𝗛𝗢𝗟𝗜𝗖 𝗖𝗘𝗠𝗘𝗧𝗘𝗥𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗟𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Nananatiling lubog sa baha ang ilang bahagi ng Roman Catholic Cemetery sa Dagupan City ngayong araw ng Undas.

Sa pag-uulan na naranasan dulot ng bagyo noong mga nakaraang araw.

Ang ilang mga dumadalaw, walang magawa kung hindi ang magpaturok na lang ng kandila sa mga kawani ng sementeryo at magbayad.

May mga mangilan-ngilan ring pinilit na suungin ang baha upang sila mismo ang makapagtirik ng kandila at handugan ng bulaklak ang kanilang yumaong mahal sa buhay.

May mga nagpaparenta rin ng bota sa halagang 30 pesos para sa mga walang dalang bota at nais na makapunta sa puntod ng kanilang yumao.

Kapansin-pansin din ang pagdami ng mga nagtitirik ng kandila sa harap na bahagi ng chapel ng sementeryo kung saan ang ilang sa mga ito ay hindi na rin mapuntahan ang puntod ng kanilang yumao sa kadahilanan na maaaring hindi mahanap ang mga puntod, malayo o kaya naman nalubog din sa pagbaha.

Nananatiling dagsa ang tao sa mga sementeryo sa lungsod ng Dagupan kung saan nakaantabay ang hanay ng kapulisan ibang ahensya ng gobyerno at force multipliers upang umagapay sa pagdaraos ng Undas 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments