𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛, 𝗟𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi ng Tondaligan Beach sa Bonuan Gueset Dagupan sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Storm surge ang naging sanhi ng pagbaha sa bahagi ng Japanese Garden pati na rin ang ilang opisina na malapit sa baybayin.
Lubog din sa tubig baha ang mga food stalls sa naturang beach na napilitang magsara upang linisin ang kanilang pwesto.
Ilan sa mga nakapanayam ng IFM Dagupan News Team na tindera ay inaasahan nilang kumalma na sana ang panahon upang makabalik na sakanilang paghahanapbuhay.
Facebook Comments