𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗦𝗛𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗥𝗘𝗔𝗨 𝗢𝗙 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗬, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗜𝗡

Binigyang diin ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagkuha  ng mga byahero at operators ng Animal Local Shipping Permit.

Ayon sa tanggapan,  tatlong araw ang inilalaan na oras sa pagproseso upang makakuha ng mga dukumento.

Kukuha naman ang mga operator ng shipping permit gamit ang Online Local Shipping Permit Issuance System basta ay maibigay at matiyak ang mga detalyeng dapat isaad pati na rin ang mga malinaw na titulo at dokumento maging kopya ng mga ito na ipapasa sa website.

Mahalagang malaman ito ng mga byahero at mga operator dahil isa ang shipping permit sa mandatory requirements na dapat na iprisenta sa mga animal quarantine checkpoint sa  mga lalawigan at rehiyon bago maipasok ang mga ibinyaheng  hayop.

Facebook Comments