๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—” ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ฃ๐—œ๐—š๐—จ๐—˜, ๐—ก๐—”๐—”๐—ก๐—ข๐—— ๐—”๐—ง ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ข๐——

CAUAYAN CITY- Ikinalungkot ng ilang residente ang pagkalunod at pagkaanod ng kanilang mga alagang baka sa bayan ng Dinapgiue, probinsiya ng Isabela.

Kabilang sa mga residenteng namatayan ng baka ay nagmula sa Brgy. Bucal Norte at Dimalaude kung saan nalunod ang mga ito sa pananalasa ni Bagyong Kristine.

Ayon sa post ni Punong Barangay Danilo Comida, nananawagan ito sa mga naanod ang baka na magtungo lamang sa malapit sa nursery ng Brgy. Bucal Norte.


Samantala, nailagay naman umano sa ligtas na lugar ang mga alagang baka ngunit naabot pa rin ito dahil sa pagtaas ng tubig.

Facebook Comments