𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗔𝗟𝗜𝗡𝗧𝗔𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗚𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗚

Hindi alintana ng mga bangkero sa lungsod ng Dagupan ang malakas na agos ng tubig sa ilog.

Tuloy ang kanilang pamamasada o paghahanap buhay sa Kabila ng naranasang epekto ng Bagyong Kristine.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang bangkero sa Dagupan City, sayang umano ang kanilang kikitain sa isang araw kung hindi sila babyahe.

Sa coastal barangay ng Balagan, Binmaley, hindi rin alintana ng mga bangkero ang tumawid sa ilog sa kabila ng pabugso-bugsong hangin at mabilis na agos ng tubig dahil kabisado na umano ng mga ito ang galaw ng ilog kahit pa nagpakawala ng tubig ang San Roque Dam.

Dagdag ng mga ito, maingat naman sila at hindi na ipipilit kung alanganin para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Kaugnay nito, positibo ang mga bangkero na ipagpapatuloy nila ang kanilang pamamasada sa Kabila ng nararanasang epekto ng bagyo sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments