𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Halos naabot ang Tourism Maximum Capacity ng ilang beach sa Western Pangasinan sa loob ng tatlong araw noong Undas Season ngayong taon.

Ayon sa Bani Municipal Disaster Risk Reduction Management Council, umabot sa 40-60% ang dumagsa sa Olanen Beach Surip Beach, Tubong Beach at Little Boracay at sa Polipol Island.

Sa Bolinao naman, umabot sa 20 hanggang 40% ang naging capacity ng Patar Beach at Bolinao Falls sa dalawang magkasunod na araw dahil sa ilan na nais masilayan ang ganda ng tanawin.

Samantala, bumaba naman ang nagtungo sa Lingayen Beach ngayong taon dahil sa maaring epekto ng nagdaang bagyo sa kondisyon ng dagat noong mga nakaraang araw.

Ilan sa mga nakapanayam ng IFM News Dagupan sa on duty na lifeguard sa Lingayen beach, hindi na umano kinailangan pang gumamit ng rescue boat upang maikutan ang mga beachgoers sa lugar hindi tulad noong nakaraang taon na halos nahirapan ang mga ito sa pagbabantay.

Abiso ng awtoridad sa publiko ang maagap na pagpaplano ng trip tuwing may holiday at pagbisita tuwing off-peak hours upang maiwasan ang overcrowding sa mga pook pasyalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments