𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗟 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Humabol ang ilang bumisita sa mga sementeryo sa lungsod ng Dagupan kahapon. Ang ilan sa mga ito, mayroon umano silang trabaho noong mga nakaraang araw kung kaya’t kahapon lamang nakabisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Dahilan pa ng iba, ayaw ng mga itong makisabay sa dagsa ng tao.

May mga mangilan-ngilan ring nagpapalinis at nagpipintura pa ng mga nitso.

Giit ng mga ito, walang pinipiling petsa sa pagbisita sa kanilang mga yumao dahil maari naman itong gawin kahit na Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments