𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗔𝗡𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗡𝗦𝗘𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔

Kinansela ng mga bus companies sa Dagupan City ang biyahe patungong Manila simula kahapon bunsod ng patuloy na nararanasang epekto ng Bagyong Carina.

Ayon sa mga dispatcher ng kumpanya, lubog ang kahabaan ng NLEX kaya’t tinigil pansamantala ang operasyon.

Ilang mga pasahero rin ang nastranded at walang nagawa kundi ang maghintay dahil wala rin umanong ibang masasakyan ang mga ito.

Samantala, naghihintay ng abiso ang ilang bus companies mula sa kanilang management kung posible nang ituloy ang pagbyahe, dedepende sa sitwasyon sa Maynila, habang ang iba namang kumpanya ay tuloy na sa operasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments