Pinaghahandaan na ng mga bus terminals sa lungsod ng Dagupan ang posibleng. pagdagsa ng mga pauwi at bibisita sa lalawigan pagsapit ng ikatlong linggo ng disyembre.
Ayon sa Terminal Master Melchor Lopez ng isang bus company sa Dagupan City, inaasahang papalo ng 50-60% kaysa sa normal na bumabyahe ang uuwi sa probinsya.
Dahil dito, nakahanda naman na ang bus company na magdagdag ng ilang unit ng bus upang mapunan ang pagdagsa ng mga byabyahe maging ang pagsisiguro sa kanilang kaligtasan.
Tiniyak ng mga ito na mayroong inspection at maintenance ang mga bus bago ang bumiyahe upang maging ligtas ang mga manananakay.
Samantala, nakapag-apply na ng special permit ang ilang bus company sa Land Tranposrtation franchising and regulatory board para sa karagdagang units na byabyahe ngayong Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨