𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Dinatnan na ng liwanag at dagsa pa rin ang mga byaherong nagsisidatingan sa ilang bus terminal sa Dagupan City para bumalik na sa kanya kanyang mga trabaho at pinagmulan matapos na mag holiday break nitong pasko at bagong taon.

Gaya ng inaasahan, punuan ang mga upuan sa mga bus terminals para maghintay ng kanilang mga scheduled na byahe papauwi at pabalik ng kanilang mga pinagmulan.

Ang iba raw sa kanila, ngayon ang hulng araw ng break kaya’t kailangan talaga nakabyahe sila ngayon at makabalik na ng kanilang mga trabaho at mga pinagkakaabalahan sa ibang lugar.

Pasalamat naman ang mga kawani ng mga bus terminal at wala namang siksikan na naganap at maayos ang daloy ng pila ng mga byaherong naghihintay ng kanilang schedule ng byahe.

Samantala, may mga nakaantabay pa ring mga hanay ng kapulisan na nagbabantay sa mga bus terminals para sa seguridad at kaligtasan ng mga byaherong aalis at babalik sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments