𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗜𝗚𝗡𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Apektado ngayon ang kitaan ng ilang mga consignacion sa Magsaysay Fish Market, dahil umano sa pagpasok ng ilang mga produktong Bangus mula sa karatig-bayan o lalawigan.

Diumano, nag-aangkat na lang sila mula sa Western Pangasinan upang kahit papaano ay punan at sumapat ang supply sa pamilihan.

Ayon pa sa mga consignacion, mapili talaga ang ibang kostumer dahil alam nila kung ano ang lasa at quality ng Bangus Dagupan.

Dahil dito, bumababa ang presyo ng nito; ang presyo, naglalaro mula PHP 120-130 kada kilo.

Ayon naman sa awtoridad, nakatutok sila sa pagpapaigting ng industriya ng Bangus sa lungsod, dahil ito ang pangunahing produkto sa Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments