CAUAYAN CITY- Kabilaang landslide ang naganap sa lalawigan ng Ifugao matapos ang naranasang mga pag-ulan sa lugar.
Ayon sa impormasyon na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office-Ifugao, naganap ang landslide sa Banaue-Nueva Vizcaya road partikular sa Natuwolan, Cudog Section at Kiangan-Tinoc National Road.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad kung saan passable na ang Banaue-Nueva Vizcaya road habang nananatiling sarado ang Kiangan-Tinoc National Road.
Samantala, one lane passable naman ang Nueva Vizcaya National Road partikular sa Alimit, Hucab Section sa Lagawe, Ifugao matapos bumagsak ang ilang malalaking bato sa lansangan.
Kaugnay nito, inaabisuhan naman ang mga motorista na mag-doble ingat at lakasan ang headlight ng sasakyan sahil makapal ang fog sa lugar.