𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔-𝗔𝗗𝗩𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗕𝗢𝗢𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗦 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟

Ilang Dagupeno at mga pasahero na ang naghahanda at nagpa-advance booking na ngayon pa lamang lalo at inumpisahan na ang pagtatanggap ng maagang pag-book ng biyahe ng mga bus terminal companies sa lungsod.
Ayon sa ilang mga nagpa-advance booking, ang iba sa kanila’y planado na ang pag-alis o di kaya pagpunta sa ibang lugar para ipagdiwang ang bagong taon habang ang ilan ay uuwi sa mga probinsya kung saan naroon ang mga pamilya para kasamang salubungin ang bagong taon.
Mas mainam na rin umano na maaga silang nakapag-book na kanilang byahe para makaiwas sa siksikan lalo na kapag dumating na ang mismong araw bago sumapit ang bagong taon lalo at mahirap daw makipagsabayan kapag walk-in at mag-aantay ng bus na bakante.

Pinaghahandaan na rin ng ilang bus terminal companies ang maaaring pagdagsa ng mga byahero sa mga nalalapit na araw ng selebrasyon bagong taon.
Ngayon pa nga lang daw ay nararamdaman na nila ang pagdami ng mga nagpapa-book ng biyahe at sa pasko na balak umalis.
Samantala, magiging epektibo ang special permit sa mga dagdag na bus units sa December 23 hanggang January 3, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments