Umabot sa 4 feet o nasa 1.22 meters ang peak ng high tide kahapon sa lungsod ng Dagupan.
Ang bahagi ng Gomez St., Zamora St., Burgos St., Perez Boulevard, maging ang downtown area ay hindi nakaligtas sa baha.
Naging pahirapan para sa mga commuters, vendors, church goers at mga estudyante ang naranasang pagbaha. Ang ilan sa mga estudyante Napilitang suungin ang baha o di kaya ay Napilitang gumastos makasakay lamang ng tricycle upang hindi mabasa ang kanilang mga sapatos.
Nangangamba rin ang ilang vendors at may-ari ng establisyemento sa pagbaha dahil sa maaring Banta nito sa kanilang kalusugan.
Ayon sa local na pamahalaan ngayong araw mararanasan ang 3. 94 ft ng high tide na ang peak ay magsisimula ng alas nuebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.
Maging ang mga nakatira sa island barangays ay sinalubong ng mataas na baha. Sa ngayon, kaliwat kanan ang isinasagawang konstruksyon ng kakalsadahan sa lungsod upang maibsan ang pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨