𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗚𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗥𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗗𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚

Umaaray na sa patuloy na pagsadsad ng presyo ng itlog ang ilang egg producers na nagbabagsak ng naturang produkto sa Dagupan.

Ngayong buwan, mas lalo pang sumadsad ang presyo nito. Sa loob ng halos dalawang linggo, iniinda na ng ilang mga egg producers ang epekto ng mababang presyo nito, na naglaro mula P4-P8 ang kada piraso nito, depende sa sukat o P120 ang isang tray.

Ayon naman sa Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, ang itinuturong dahilan ay ang nararanasang patuloy na oversupply nito sa buong bansa kung saan maraming egg producers diumano kasi ang nag-alaga ng manok sa huling quarter noong nakaraang taon.

Sa ngayon, umaasa naman ang mga egg producers na tumaas na muli ang presyo nito sa buwan ng Marso o Abril, o di na ma’y sa pagsapit ng mahal na araw, upang makabawi sa naranasang pagkalugi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments