𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔-𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗔𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗚 𝗢𝗟𝗗 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗖𝗔𝗟𝗘𝗡𝗗𝗔𝗥

Kanya-kanyang reaksyon ngayon ang ilang estudyante sa Dagupan City kaugnay sa pagbabalik ng Old School Calendar ng Department of Education.

Ang ilan sa estudyante sinabing nasanay na umano sila sa nakagisnang lifestyle magmula noong naranasan ang COVID 19 pandemic.

Sa dami ng adjustments na nangyari noong kasagsagan ng pandemya, nasanay na umano sila sa hybrid learning kung saan may onlines classes at scheduled ang face-to-face classes.

Habang ang iba naman, sinabing mas mainam na rin na bumalik sa dati ang buwan ng pag-uumpisa ng school year dahil sa nararanasan ding sakit ng mga estudyante sa mga buwan kung saan mainit ang panahon.

Ayon naman sa panayam ng IFM News Dagupan kay Teachers Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, well-planned na ang nasabing order at nakasaad na umano ang mga adjustments na maaaring gawin tulad ng mga quarterly examinations, school break, at end of school year rites. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments