Tuwing dumarating ang salubong sa bagong taon, hindi mawawala sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino ang mga bilog na prutas bilang bahagi ng tradisyon na makapagbibigay swerte ito sa bahay lalo na pagdating sa pera kaso lamang ang ilan sa mga fruit vendors na nagtitinda sa bahagi ng Downtown sa Dagupan City, hindi pa rin napaubos ang mga tindang prutas.
Umaasa pa rin naman ang ilan sa mga fruit vendors na mapapaubos pa rin nila ang kanilang mga tindang bilog na prutas kahit pa tapos na ang bagong taon dahil kahit ano naman umanong okasyon at araw ay maaari namang itong i-consume ng mga mamimili depende na rin sa pagkasariwa nito.
Aminado naman ang ilan sa mga fruit vendors na marami silang ka-kompitensya sa pagbebenta ng mga prutas kung kaya’t kahit sa dami ng mga taong namimili noong kasagsagan ng bisperas ng bagong taon ay pahirapan pa rin umano ang pagpapaubos sa kanilang mga paninda.
Sa ngayon, tuloy pa rin naman ang pagtitinda ng mga fruit vendors sa kanya-kanya nilang mga pwesto para nang sa gayon ay tuloy tuloy rin umano ang pasok ng kita sa kanilang mga negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨